Friday, September 18, 2015

"Enteng"

isang munting istranghero , ano nga ba’t isip ko’y nililito di mapakali, sarili ay natutuliro sa isang matamis na ngiti mula sayong pisngi isang paaanyaya na hindi ako makatangi pilit mang iwaksi ako’y naging saksi na paisip, napatanong sa sarili ano nga bang ang nag yari sa isang kaganapan, ika’y walang kalabanlaban biktima ng karahasan hustisya nassan lugmok sa kawalan, sa iyong kamusmusan ano nga ba’t ika’y hinusgahan Ramdam ko, batid ko ang nais mong iparating sa munti mong tinig puso ko’y na antig bagabag sa iyong kalooban nais kong pakinggan nag babakasakali na ika’y matulungan na sa isang simpeng pagyakap, pag lingap ng magulang ay iyong makamtan!

No comments: