Tuesday, April 22, 2008

ikaw ay sapat

Umaawit ang puso ko
Naglalakbay patungo sayo
Dumadalaw man ang nakaraan
Sa piling mo ay handang maghintay

* Kahit malayo, panahon ay salat
Ikaw ang kulang na sa aki’y sapat

** Pagka’t ikaw ang pagibig kong tunay
Sa ating sumpa ay tapat
Pagka’t bahagi ka ng aking buhay
Kasama sa paglayang hangad

Pagibig ko’y di magbabago
Magtagal man ang digmaang ito
Ating pagkilos at pagmamahal
Anong alab ma’y handang magbigay

[Ulitin *]

[Ulitin **]

Pagka’t ikaw ang pagibig kong tunay
Sa ating sumpa ay tapat
Pagka’t bahagi ka ng aking buhay
Kasama sa palayang ganap

Kahit malayo, panahon ay salat
Ikaw ang kulang na sa aki’y sapat

No comments: